LIBRENG PALAY, HANDOG NG LGU-DAET SA MGA MAGSASAKANG MAMAMAYAN

Maaari nang makuha ng mga magsasaka sa bayan ng Daet, Camarines Norte ang hybrid na palay na natanggap ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Daet (LGU-Daet) sa pamamagitan  ng Municipal Agriculture Office (MAO).

Kinakailangan lamang na rehistrado ang isang magsasaka sa ilalim ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).

Ang naturang mga palay ay mula sa Department of Agriculture (DA) kaakibat ng kanilang Rice Program.

Para naman sa mga magsasaka na hindi pa nakarehistro sa RSBSA, maari silang magtungo sa Municipal Agriculture Office para sa proseso ng pagpaparehistro.

Layon nito na matulungan ang mga magsasaka sa bayan ng Daet na magkaroon ng masaganang ani at mataas na kita sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga ito lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.