380 SAKO NG HYBRID PALAY SEEDS, IPINAMAHAGI SA MGA MAGSASAKANG DAETEÑO

Tinanggap kahapon ng Lokal na Pamahalaan ng Daet ang kabuuang 380 sako ng iba’t ibang uri ng hybrid palay seeds sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office (MAO) mula sa Department of Agriculture (DA).

Ipamamahagi ang nasabing palay seeds sa mga rehistradong magsasaka sa ilalim ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).

Kinakailangan lamang na makipag-ugyan ang mga ito sa nakakasakop sa kanila na Agricultural Technologist para sa schedule ng pagtanggap ng hybrid seeds.

Para naman sa mga magsasaka na hindi pa nakarehistro sa RSBSA, maari silang magtungo sa Municipal Agriculture Office para sa proseso ng pagpaparehistro.

Ang pamamahagi ng hybrid palay seed ay tugon sa “Masaganang Ani, Mataas na Kita” Rice Program ng DA upang matulungan ang mga magsasaka sa bayan ng Daet na magkaroon ng masaganang ani at mataas na kita sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga ito lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *