IINFORMATION EDUCATION CAMPAIGN, MAS PINALAKAS NG LGU-DAET

Mas pinalakas ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Daet (LGU – Daet) ang Information Education Campaign (IEC) nito kontra COVID-19 sa Daet Public Market and Public Utility Vehicles Terminal.

Naisakatuparan ang aktibidad sa pangunguna ng mga kawani ng Municipal Health Office (MHO) at Incident Management Team (IMT) ng naturang bayan.

Gayundin ang pagpapalawig ng kaalaman kaugnay ng naturang sakit ay ibinahagi sa lahat ng  Barangay LGUs bilang bahagi ng teachings in-line program ng Department of Health (DOH).

Bukod sa mga nabanggigt ay namahagi rin ng facemasks sa Barangay III sa pamamagitan naman ng kooperasyon ng X3M Riders Club volunteers katuwang ang Planning Section Chief LGU- Daet IMT.

Layon nito na mabigyan kaalaman ang mga mamamayan sa kasalukuyang kinakaharap na pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.