AWARENESS AND RESPONSIBLE MEASURES AGAINST COVID-19, INILUNSAD NG LGU-DAET

Nagdaos ng pagpupulong sa Barangay III, Daet Camarines  Norte ang Lokal na Pamahalaan ng Daet (LGU-Daet) base sa ulat ng IMT-Daet kahapon, May 27, 2021.

Ang isinagawa na awareness and responsible measures against COVID-19 ay naging matagumpay sa pangunguna rin ng mga kawani ng Incident Management Team (IMT)

Isinagawa ang aktibidad kaugnay ng direktiba ng IC and PSC LGU- Daet IMT.

Dumalo naman ang Punong Barangay (PB) ng naturang lugar, kasama ang mga kagawad at mga health workers nito.

Sa parehong araw ay nagkaroon din ng pamamahagi ng face masks sa naturang barangay katuwang ang X3M Riders Club volunteers at ang Planning Section Chief LGU- Daet IMT.

Leave a Reply

Your email address will not be published.