Katuwang ang Provincial Environment and Natural Resources Office (PG-PENRO) sa pamumuno ni Engr. Leopoldo P. Badiola at Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) sa pamumuno naman ni Engr. Almirante A. Abad ay nagsagawa ng Beach Clean-Up Activity ang Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte nitong May 26, 2021 sa Brgy. San Jose, Talisay, Camarines Norte.
Ang naturang aktibidad ay bilang pakiki-isa sa selebrasyon ng Month of the Ocean (MOO) 2021 na ipinagdiriwang taon-taon tuwing buwan ng Mayo sa ilalim ng Presidential Proclamation No. 57 noong 1999.
“The Science We Need, For the Ocean We Want” ang tema ng pagdiriwang ngayong taon kung saan ang pokus nito ay paghihikayat sa pagpapanatili sa pangangalaga at pagprotekta sa karagatan.
Naki-isa rin ang mga kawani ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ng Lokal na Pamahalaan ng Talisay, mga barangay officials ng San Jose Talisay, gayundin ang mga miyembro ng Pacific Coast Lions Club, MFARMC-Talisay at maging ang San Jose Fishermen Association.