NAILIGTAS NA EMERALD DOVE, PINAKAWALAN NA NG PENRO SA BICOL NATURAL PARK

(𝘗𝘩𝘰𝘵𝘰 𝘤𝘰𝘶𝘳𝘵𝘦𝘴𝘺 𝘰𝘧 𝘋𝘌𝘕𝘙-𝘗𝘌𝘕𝘙𝘖, 𝘊𝘢𝘮 𝘕𝘰𝘳𝘵𝘦)

Isang Common Emerald Dove (Chalcophaps inidica) ang narescue at pinakawalan ng mga awtoridad sa lalawigan ng Camarines Norte kasunod ng selebrasyon ng International Day of Biological Diversity nitong nakaraang Sabado, May 22, 2021.

Ito ay naisagawa sa pamamagitan ng Department of Environment and Natural Resources-Provincial Environment and Natural Resources Office (DENR-PENRO) – Camarines Norte, sa pamumuno ni OIC PENR Officer Marlon Francia.

Katuwang ng PENRO ang Protected Area Management and Biodiversity Conservation Unit (PAMBCU) staff sa isinagawang aktibidad.

Ayon sa PENRO, kusang isinurrender ng isang residente ang naturang ibon sa kanilang tanggapan.

Matapos masiguro ang kalusugan ng common emerald dove ay pinakawalan na ito sa Bicol Natural Park sa Camarines Norte.

Samantala, patuloy ang paalala ng naturang tanggapan sa publiko, na sa katulad na sitwasyon, ang wildlife species ay kinakailangan na ipagbigay-alam at isurrender sa mga kinauukulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.