DEADLINE NG PAGSUSUMITE NG APLICATION SA ESP AT LGU- DAET, MAS NAPAAGA

Inanunsiyo ng Pamahalaang Lokal ng Bayan ng Daet sa pamamagitan ng Lgu-Daet Expanded Scholarship Program (ESP) facebook page nito na ang bagong dealine ng submission ng Application Program ay gagawin na lamang na mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 7 ng kasalukuyang taon.

Ito ay dahil sa pagdagsa ng mga aplikante para sa nasabing scholarship kung kayaโ€™t naabot agad ang kaukulan na bilang ng mga maaaring sumailalim sa Qualifying Examination ngayon  pa lamang huling araw ng buwan, May 31, 2021.

Matatandaan na unang inanunsyo ng LGU-Daet na sila ay tatanggap ng aplikasyon hanggang sa huling araw ng susunod na buwan, Hunyo 30, 2021.

Samantala, mananatili naman ang mga itinakda na kwalipikasyon para sa isang aplikante na ayon sa mga sumusunod;

1. Residente ng Munisipalidad ng Daet. A resident of the Municipality of Daet;

2. Rehistradong botante ang magulang o tumatayong magulang sa naturang bayan. The parent or guardian is a registered voter in the municipality;

3. Hindi bababa sa 80% ang General Weighted Average (GWA) at walang bagsak na grado sa anumang subject (for high school graduates); Hindi bababa sa 2.5 ang GWA at hindi pa nakapagtapos ng ano mang kurso sa kolehiyo;

4. Nakapasa sa etrance examination sa papasukan na State College o pribadong paaralan sa kolehiyo;

5. Ang combined gross annual income ng mga magulang o tumatayo na mga magulang ay hindi tatataas sa latest poverty threshold;

6. Mayroong good moral character at walang derogatory record at;

7. Walang anumang scholarship o study grant.

Leave a Reply

Your email address will not be published.