LGU-DAET, TUMATANGGAP NA MULI NG MGA BAGONG SCHOLAR NG BAYAN

Nagsimula na muli ngayong araw ang pagtanggap ng Lokal na Pamahaalan ng Bayan ng Daet ng aplikasyon mula sa mga nagnanais na maging bagong scholar ng bayan ng Daet sa Camarines Norte.

Ang LGU-Daet Expanded Scholarship Program ay bukas para sa mga Senior High School graduates at College Level o College Undergraduate.

Ang pagtanggap ng aplikasyon ay tatagal simula ngayong araw, June 1 hanggang sa huling araw ng buwan June 30, 2021.

Kinakailangan lamang na magsumite ng aplikasyon sa https://camnortenews.com/forms/ , at maaari rin naman na personal na isumite ang application form sa Scholarship Program Secretariat’s Office ng naturang bayan.

Narito ang mga qualifications ng isang aplikante:

1. Residente ng Munisipalidad ng Daet. A resident of the Municipality of Daet;

2. Rehistradong botante ang magulang o tumatayong magulang sa naturang bayan. The parent or guardian is a registered voter in the municipality;

3. Hindi bababa sa 80% ang General Weighted Average (GWA) at walang bagsak na grado sa anumang subject (for high school graduates); Hindi bababa sa 2.5 ang GWA at hindi pa nakapagtapos ng ano mang kurso sa kolehiyo;

4. Nakapasa sa etrance examination sa papasukan na State College o pribadong paaralan sa kolehiyo;

5. Ang combined gross annual income ng mga magulang o tumatayo na mga magulang ay hindi tatataas sa latest poverty threshold;

6. Mayroong good moral character at walang derogatory record at;

7. Walang anumang scholarship o study grant.

Samantala, i-aanunsiyo ang schedule ng qualifying examination pagkatapos ng huling araw ng pagpapasa ng application forms.

(π™Ώπš‘πš˜πšπš˜ πšŒπš˜πšžπš›πšπšŽπšœπš’ 𝚘𝚏 π™²πš‘πšŠπš’πš›πš–πšŠπš— 𝚘𝚏 π™²πš˜πš–πš–πš’πšπšπšŽπšŽ πš˜πš— π™΄πšπšžπšŒπšŠπšπš’πš˜πš—, π™²πš˜πšžπš—. π™΄πš•πš’πš£πšŠ 𝙷. π™»πš•πš˜πšŸπš’πš)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *