ARAL KALIKASAN – PHONETOGRAPGY CONTEST, TAMPOK SA CAMARINES NORTE!

Kasabay ng pagdiriwang ng World Environment Day 2021 at selebrasyon ng Philippine Environment Month, ang Camarines Norte-Provincial Environment and Natural Resources Office o CN-PENRO ay nag-anunsiyo ng kanilang Aral Kalikasan 2021 – PHONETOGRAPHY Contest o patimpalak sa pagkuha ng larawan para sa mga kabataan ng lalawigan.

Hinihikayat ngayon ng tanggapan ang mga kabataan edad 13-18 na maki-isa sa kompetisyon kung saan kinakailangan lamang na kumuha  ng isang larawan gamit ang kanilang mga smartphones na may temang “Sama-samang Pagkilos, Sama-samang Paghilom: Ikaw, Ako, Tayo ang Kalikasan”.

Ang mga kalahok ay kinakailangan na i-like at i-follow ang official facebook account ng PGCN-PENRO na kabilang sa mga guidelines at mechanics ng kompetisyon mula sa tanggapan.

Nagsimula nang tumanggap ng entries ang PENRO sa pamamagitan ng kanilang email adress (aralkalikasan.wed21.pgcn@gmail.com) nitong Lunes, Hunyo 1, na tatagal hanggang sa Hunyo 22, 2021, 5:00 P.M.

Ang  mananalo ay tatanggap ng cash, throphy at Certifcate of Recognition. P3,000 sa tatanghalin na 1st placer, P2,000 sa 2nd placer at 1,000 naman para sa 3rd placer. Habang tatanggap din naman ng Certificate of Participation ang lahat ng mga lalahok.

Iaanunsiyo ang resulta at detalye ng awarding sa pamamagitan ng isang facebook page ng PENRO, at sa pamamagitan ng text message at e-mail mula sa tanggapan sa Hunyo 30, 2021.

Samantala, ang mga isusumiteng larawan ay gagamitin ng PENRO-Camarines Norte bilang Information Education Campaign Materials.

Para sa iba pang mga detalye ng kompetisyon ay maaari lamang na bisitahin ang facebook page ng kanilang tanggapan sa PGCN-PENRO.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *