ISANG MINERO, TIKLO SA ISINAGAWANG BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG TALISAY

Arestado ang isang lalaki na kabilang sa listahan ng Street Level Individual (SLI) ng Philippine National Police (PNP) sa ikinasang buy-bust operation ng pinagsanib pwersa ng mga miyembro ng pulisya sa Purok-4, Barangay Itomang, Talisay, Camarines Norte, 9:15 kagabi, Hunyo 4, 2021.

Ang suspek, kinilala sa pangalan na Mark Clent Cabate Nacion, 37 anyos, minero at residente ng Purok Camagong, Barangay Poblacion Norte, Paracale, Camarines Norte.

Nakuha sa suspek ang dalawang (2) piraso ng pakete ng hinihinala na “shabu” na nakabalot sa papel at tinatayang may timbang na isang (1) gramo, na aabot sa P7,500.00 ang halaga.

Nakuha rin mula sa suspek ang P500.00, at wallet na mayroong 12 piraso ng P500.00 na boodle money.

Samantala haharap naman sa kasong paglabag sa RA 9165, Article II, Section 5 at 11 ang suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published.