NATIONAL ID STEP2 REGISTRATION, SINIMULAN NA SA BAYAN NG DAET

Bukas na sa publiko ang Philippine Identification System Registration Center sa bayan ng Daet simula ngayong araw, Hunyo 7, 2021, mula 7:00 a.m. hanggang 5:00 p.m.

Lahat ng tapos na sa Step 1 (Pre-registration) o pagkuha ng demographic data sa pamamagitan ng pag fill-up ng Electronic Philsys Forms ay maaari nang magtungo sa registration center para sa Step 2 (Registration proper) o pag present ng supporting documents, validation ng demographic data at pagkuha ng biometric data batay sa schedule ng bawat barangay.

Ang Registration Center ay matatagpuan sa 3rd Floor, New Municipal Hall Building, Maharlika Highway, Barangay Pamorangon, Daet, Camarines Norte.

Paalala rin ng kinauukulan sa mga magpaparehistro na sundin ang mga ipinatutupad na health protocol partikular ang pagsusuot ng facemask, faceshield, at pagpapanatili ng social distancing.

Leave a Reply

Your email address will not be published.