Umabot sa halos kalahating milyong piso ang ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Office – V sa pamamagitan ng programang AICS o Assistance to Individuals in Crisis Situation nitong Lunes, June 7, 2021.
Kabuuang Php 456,000.00 ang kabuuang halaga na natanggap ng 152 benipesaryo kung saan bawat isa ay tumanggap ng tig P3,000 financial assistance sa isinagawang soft opening ng Malasakit Center na ilulunsad sa mga susunod na araw sa Camarines Norte Provincial Hospital.
Bukod sa cash assistance ay tumanggap din ang mga ito ng food packs na naglalaman ng anim (6) na kilong bigas, anim (6) na canned goods at dalawang (2) packs ng kape.
Ang pamamahagi ay pinangunahan ng kawani mula DSWD at ng pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte sa pamumuno ni pamumuno ni Gob. Edgardo Angeles Tallado na pesronal na dumalo sa aktibidad.
Dumalo si Ms. Maria Cristina S. Samson, Head Crisis Intervention Unit (CIU) DSWD ROV at Claudio Villareal DSWD ROV – Cams Norte Focal Person, at naroon si Acting PHO na si Dr. Arnel Francisco.
Layon naman ng ilulunsad na Malasakit Center kung saan naroon na ang DOH, DSWD, PCSO at PhilHealth, na mapadali ang proseso para sa mga mamamayan na mangangailangan ng tulong partikular ng medical assistance at healthcare services dahil hindi na kakailanganin pa na pumila at magpalipat-lipat ng opisina, ayon kay Senator Bong Go.
Ang CNPH ay isa lamang sa mga napili na paglagyan ng Malasakit Center sa ilalim ng programang pangkalusugan ng kasalukuyang administrasyon.