LALAKING MAY KASONG FRUSTRATED HOMICIDE, ARESTADO SA VINZONS, CAMARINES NORTE

Nahuli sa bayan ng Vinzons, Camarines Norte ang isang 35 anyos na lalaki na may kinakaharap na kasong frustrated homicide ayon sa pulisya.

Bandang alas 11;00 ng umaga nitong June 8, 2021 ng silbihan ng warrant of arrest ng mga awtoridad ang naturang suspek sa Sitio Buhay-hay, Purok-3, Barangay Napilihan sa naturang bayan.

Kinilala ang akusado na si Rey Macauyam, residente ng naturang lugar.

Taong 2015 nang ipinalabas ng RTC Branch 38, Daet Camarines Norte ang kasong Frustrated Homicide laban kay Maycauyam.

May rekomendasyon na piyansang nagkakahalaga ng Php 24,000.00 ang korte sa nasasakdal para sa pansamantala nitong kalayaan.

Kasalukuyan nang nakakustodiya ang suspek habang inihahanda ang kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.