“PINYAKAMAGANDANG LARAWAN” ISA SA MGA INAABANGANG KOMPETISYON SA 28TH PINYASAN FESTIVAL

Inanunsiyo ng Pamahalaang Lokal ng Daet sa Pamamagitan ng Daet Municipal Tourism Office ang “Pinyakamagandang Larawan” photography contest nito na bukas para sa lahat ng amateur and professional photography
enthusiasts sa lalawigan na nasa edad 18 pataas.

Ang kompetisyon ay bahagi ng ika-28 na selebrasyon ng Pinyasan Festivalsa bayan ng Daet, Camarines Norte.

Hanggang bukas, June 11, 2021 ay tatanggap ng participants ang Tourism Office sa pamamagitan ng pagpaparehistro sa https://bit.ly/3fQRAJD .

Maaaring gumamit ng DSLR, point and shoot, at camera phones ang mga kalahok, kung saan isang entry lamang ang tatanggapin sa bawat isa.

Sa June 14, 2021 ang huling araw ng submission ng mga larawan na ia-upload sa facebook page ng Daet Municipal Tourism Office sa June 18, 2021, kalakip ang Title at short description nito.

Iaanunsiyo ang mga mananalo sa pamamagitan din ng kanilang facebook page sa June 20, 2021 at 5:00PM.

Ang tatanghalin na 1st Place ay tatanggap ng P 5,000; P 4,000 para sa ikalawang puwesto; 3rd place, P 3,000.; at P 3,000 din para sa makakakuha ng People’s Choice Award P 3,000 habang  mayroon ding 5 Consolation Prizes na nagkakahalaga na P800.00.

Samantala, ang iba pang mga detalye ng kompetisyon ay matatagpuan sa opisyal  na facebook post ng DMTO.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *