COVID-19 WARDS NG CNPH, UNDER FULL CAPACITY – PHO

Naglabas ng pahayag ang Provincial Health Office ng Camarines Norte na ang COVID-19 at isolation wards nito ay kasalukuyang nasa full capacity dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng mga nagkakasakit sa lalawigan.

Bunsod nito, pansamantala na hindi tatanggap ang Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) ng COVID-19 patients sa kasalukuyan hanggang sa susunod na anunsiyo mula sa tanggapan.

Umaapela naman ng tulong ang naturang hospital mula sa LGUs ng lalawigan na maghanda ng quarantine isolation facilities sa kanilang mga munisipalidad upang doon muna tumuloy ang mga mayroong mild symptoms o mga asymptomatic na pasyente.

Leave a Reply

Your email address will not be published.