PINYASAN 2021, AARANGKADA NA SIMULA NGAYONG ARAW!

Magsisimula nang umarangkada ngayong araw, Hunyo 18, 2021 ang ika-28 taon na selebrasyon ng Pinyasan Festival sa Bayan ng Daet sa Camarines Norte na tatagal ng anim na araw at matatapos sa Hunyo 24.

Sisimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang Virtual Opening Program na pangungunahan ng mga kawani ng lokal na pamahalaan.

Isasagawa naman ang Surfing Clinic Event bukas, Hunyo 19, na susundan ng Surfing Competition sa Sabado, Hunyo 20.

May apat na aktibidad naman na nakahanda sa Hunyo 22, Martes kung saan kabilang ang Photography Contest, Virtual Dance Showdown, Tiktok Dance Challenge, at Creative Writing Workshop.

Habang sa Hunyo 23 naman ay isasagawa ang Pinyasan Virtual Street Dancing na isa sa mga nagsisilbing highlights ng selebrasyon taon-taon.

Sa huling araw naman ng pagdiriwang, Hunyo 24, bago isagawa ang Closing Program ay ilulunsad ang Strengthening Daeteños Faith Amidst the Pandemic Program.

Tema ng selebrasyon ngayong taon ay “Sa pagsubok dulot ng pandemya, Bayanihan at 2nay na Kalinga ang Mabisang Inspirasyon sa Ating sama-samang pagbangon”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *