PINYASAN FESTIVAL, TULOY PA RIN SA KABILA NG PANDEMYA!

Tuloy pa rin ang pagdiriwang ng Pinyasan Festival sa Bayan ng Daet, Camarines Norte sa kabila ng pandemya na puno ng aktibidad na angkop naman sa new normal.

Pormal itong bubuksan ngayong araw, Huwebes, Hunyo 18, 2021 na tatagal ng anim na araw at matatapos sa Hunyo 24, mismong araw ng kapistahan ng patron ng nasabing bayan na si San Juan Bautista.

Hindi kagaya ng mga nakaraan at nakasanayan na pagdiriwang nito, ngayon ay isasagawa lamang ang mga aktibidad sa pamamagitan ng virtual at modified programs.

Tema ng selebrasyon ngayong taon ay “Sa pagsubok dulot ng pandemya, Bayanihan at 2nay na Kalinga ang Mabisang Inspirasyon sa Ating sama-samang pagbangon”.

Leave a Reply

Your email address will not be published.