Isa sa mga entry sa 15 Cultural Heritage Properties sa Bicol ang Rizal Monument Park sa Daet na ipinagmamalaki ng Daet Municipal Tourism Office ng nasabing bayan at maging ng buong lalawigan ng Camarines Norte.
Ibinahagi ng Daet Municipal Tourism Office (DMTO) ang larawan ng naturang bantayog mula sa official facebook post ng isang media company na Bicol Voyager TV bilang suporta sa National Heritage Month 2021.
Ang Rizal Park ang kauna-unahan at pinakamatandang bantayog na itinayo bilang pagkilala sa Pambansang Bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Mercado Protacio Rizal y Alonso Realonda.
Ito ay idinisenyo ni Lt. Col. Antonio Sanz katuwang si Ildefonso Alegre at maging mga mamamayan ng Camarines Norte na naisakatuparan noong December 30, 1898, dalawang (2) taon matapos ang pagkamatay ni Rizal.
Itinuturing na kakaiba ang naturang bantayog dahil sa wala itong rebulto ng naturang bayani kundi gawa sa isang concrete phylon na sumisimbolo sa freemasonry na isang sikretong grupo ni Rizal.