BABAENG MIYEMBRO UMANO NG GUTIERREZ DRUG GROUP, ARESTADO SA JOSE PANMGANIBAN

Arestado ang isang babae na umano ay miyembro ng Gutierrez drug group sa pinagsanib pwersa ng pulisya kagabi sa Jose Panganiban, Camarines Norte dakong 10:30 ng gabi, Hunyo 18, 2021.

Kinilala ang suspek na si Jennifer Balmaceda, 33-anyos, dalaga, residente ng Purok-6, Barangay Plaridel, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Nakumpiska kay Balamaceda ang pitong (7) plastik na pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na nasa dalawang (2) gramo na tinatayang Php 13,600.00 ang halaga.

Inihahanda na ng Jose Panganiban MPS ang kasong paglabag sa Section 11, Article II ng RA 9165 laban sa suspek.

Ayon naman kay PCOL Julius D Guadamor, patuloy ang kapulisan ng lalawigan sa pagpapaigting ng kampanya konta ilegal na droga at hindi umano siya papayag na mapasok pa ang probinsya ng malalaking sindikato ng droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published.