DISKWENTO CARAVAN, AYUDA NG DTI SA MGA MAMIMILI BILANG BAHAGI NG PINYASAN FESTIVAL

Kasalukuyan ngayon na umaarangkada ang Diskwento Caravan ng Department of Trade and Industry (DTI) – Camarines Norte sa LGU-Daet Covered Court sa Daet, Camarines Norte.

Ang naturang caravan na mayroong tema na “Presyong Panalo Para Sa Mamimiling Pilipino” ay bahagi ng mga aktibidad para sa selebrasyon ng Pinyasan Festival sa naturang bayan.

Dalawang araw itong tatagal, mula ngayong araw, Hunyo 22, hanggang bukas, Hunyo 23, 2021, alas 8:30 ng umaga hanggang alas 5:30 ng hapon.

Dito ay maaaring makabili ng mga pangunahing bilihin at iba pang mga produkto sa mas murang halaga mula sa mga sumusunod:

1. Nestle Philippines, Inc.

— Nestle Products)

2. P. Tanzo Prime Goods Source

— CDO Products, Fresh Chicken, and Other Frozen Products

Other Grocery Products

3. MGM Berzuela Golden Food Manufacturing

— Pancit Miki and Other Noodle Products

4. The Caramel Bakeshop

— Bread and Pastries

5. National Food Authority

— NFA Rice

6. Dimsum FACTORY

— Siomai, Siopao, etc.

7. Coca-Cola Beverages Philippines, Inc.

— Softdrinks, NutriBoost, MinuteMaid, etc.

8. Arisa Pharma and Medical Supplies

— Over-The-Counter Medicines and Other Medical Supplies

9. Ianito 125 Merchandising and Trucking Services

— Agri-Products (Fresh Eggs, Vegetables, and Other Spices, Condiments, etc.)

10. City Square Traders

— PlasticWares and Other Novelty Items

11. Products of DOLE Livelihood Beneficiaries

Leave a Reply

Your email address will not be published.