LIBRENG THEORETICAL DRIVING COURSE, ALOK NG LGU-DAET

Magbibigay ng Theoretical Driving Course (TDC) scholarship ang Pamahalaang Lokal ng Daet (LGU-Daet) para sa mga Daeteño na nagnanais na makakuha ng Driver’s License mula sa LTO.

Ang libreng driving course ay isa sa mga proyekto ni Mayor Benito Ochoa katuwang ang Miradev Driving School  kung saan isasagawa ang naturang pag-aaral.

Mababatid na ang TDC certificate ay isa na sa mga pangunahin na requirements ng Land Transportaion Office (LTO) upang makakuha ng Student Permit  ang isang indibiduwal.

Sa mga interesado, kinakailangan lamang umano na makipag-ugnayan sa numero na 09472544272 (Ms. Jane) at o 09088890560/0928496442 (Ms. Jovi).

Maaari rin naman na magtungo sa GSO Office, 2nd Floor LGU Main Building, Brgy. Pamorangon, Daet, Camarines Norte.

Limitado lamang ang slots kung kaya’t hinihikayat ang mga interesado na Daeteño na agaran na makipag-ugnayan sa mga nabanggit.

Leave a Reply

Your email address will not be published.