RHU I, PANSAMANTALANG SARADO SA PUBLIKO HANGGANG SA LINGGO AYON SA DAET-MIO

RHU I, PANSAMANTALANG SARADO SA PUBLIKO HANGGANG SA LINGGO AYON SA DAET-MIO

Naglabas ng anunsiyo ang Daet Municipal Information Office (MIO) na sarado pansamantala sa publiko ang Rural Health Unit I (RHU) na nasa Barangay Pamorangon, Daet, Camarines Norte.

Ito ay matapos na magpositibo sa COVID-19 ang isa sa mga kawani ng nasabing RHU kung kayaโ€™t kinakailangan na isailalim ito sa disinfection.

Nagsimula ito nitong Sabado, July 3, 2021 at tatagal hanggang sa Linggo, July 11, 2021.

Inaabisuhan naman ang mga nais na magpakonsulta na magtungo muna sa RHU II na nasa Barangay I, habang maaari rin naman na magtungo sa RHU III sa Barangay Lag-On.

Leave a Reply

Your email address will not be published.