BLOOD-LETTING PROGRAM, ILULUNSAD NG LGU-DAET, BMC

BLOOD-LETTING PROGRAM, ILULUNSAD NG LGU-DAET, BMC

Magdaraos ng Blood-letting Program ang Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Daet (LGU-Daet) sa darating na Miyerkules, July 14, 2021.

Pangungunahan ito ng Municipal Health Office (MHO) at Municipal Blood Council (MBC) ng nasabing munisipalidad katuwang ang Bicol Medical Center (BMC).

Ang tema ng naturang programa ay “Dugong-Alay, Dugtong-Buhay” na bahagi ng National Voluntary Blood Services Program ngayong ikalawang quarter ng taon, 2021.

Kaugnay nito, inaanyayahan ng LGU ang publiko na makiisa sa programa sa pamamagitan ng pag-aalay ng dugo.

Matatandaan na nito lamang buwan ng Marso naman idinaos ng LGU ang blood-letting program nito para naman sa unang quarter ng taon.

Layon ng blood-letting na makatulong sa pagsalba ng buhay partikular ng mga nangangailangan na masalinan ng dugo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.