SUSPEK SA TANGKANG PANGGAGAHASA, ARESTADO SA VINZONS, CAMARINES NORTE

SUSPEK SA TANGKANG PANGGAGAHASA, ARESTADO SA VINZONS, CAMARINES NORTE

Arestado ang isang lalaki na suspek sa tangkang panggagahasa sa pamamagitan ng ikinasa na operasyon ng Vinzons MPS (Municipal Police Station) katuwang ang operatiba ng mga kapulisan sa Barangay Sto. Domingo, Vinzons, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si Carlito Villafranca Jr. y Ismondo, 29 taong gulang, isang magsasaka at residente ng Barangay Sto. Domingo sa naturang bayan.

Ang suspek ay naaresto sa bisa ng isang warrant of arrest sa kasong Attempted Rape na ipinalabas ng Regional Trial Court Branch 39, Daet, Camarines Norte.

Nagkakahalaga ng isang daan at dalawampung libong piso (P120,000.00) ang pyansa na inirekomenda ng korte para sa pansamantala na kalayaan nito.

Samantala, kasalukuyan naman na nasa kustodiya ng Vinzons MPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.