SPES BENEFICIARY NG LGU-DAET TUMANGGAP NG PAGKILALA NG SANGGUNIANG BAYAN

SPES BENEFICIARY NG LGU-DAET TUMANGGAP NG PAGKILALA NG SANGGUNIANG BAYAN

Personal na tinanggap ni Sydney Joseph Torrenueva, residente ng Brgy VI, Daet, Camarines Norte at kasalukuyang SPES Beneficiary ng LGU Daet na naka assign sa Sangguniang Bayan ang Certificate of Recognition mula sa Lokal na Pamahalaan.

Ang nasabing pagkilala ay inaprubahan kamakalwa ng Sangguniang Bayan ng Daet matapos isulong ni Councilor Eliza Llovit ang Committee Chairman ng Committee of Education ng Sangguniang Bayan ng Daet.

Matatandaan na ginawaran ng Youth Power Excellence Award: Outstanding Student Leader of the Year sa 4th Asia-Pacific Luminaire Awards si Torrenueva.

Makikitang karapatdapat na bigyang parangal at resolution ng Sangguniang Bayan si Torrenueva dahil sa karangalang dala niya sa Bayan ng Daet. Ang Asia-Pacific Luminaire Awards ay isang Internasyunal at prestihiyosong parangal.

Tinanggap kamakalawa ni Sydney ang sertipiko mula sa isinagawang Regular Session sa Daet Municipal Session Hall, Brgy. Pamorangon. Ito’y batay sa mga accomplishment at leadership service sa loob at labas ng kanyang unibersidad.

Maliban dito, naging batayan din ang iba pa niyang mga accomplishments upang matanggap niya ang pambihirang parangal:

1. 2018 recipient of ABS-CBN Medal of Excellence;

2. Graduated High School with Highest Honors;

3. 2019 Bicol University Outstanding Student in Scholarship;

4. Recipient of Presidential Medal of Citation;

5. 2019 Outstanding Student of BUCSSP;

6. 2020 Outstanding Student of BUCSSP in Academic Excellence;

7. Champion in the Leila De Lima Cup Public Speaking Competition;

8. Champion in the National Virtual Extemporaneous Speaking:

9. Youth Legislator during the Philippine Model Congress 2019 at the Senate of the Philippines:

10. Chancellor of the BU Official Honor Society, Order of the Blue feather Society;

11. Elected as Philippine Country Coordinator of the ASEAN University Student Council Union;

12. Co-Founder of Online SDG Youth Action Forum for UNSDGs Advocates;

13. Delegate to various prestigious ASEAN Conferences held online such as 8th ASEAN Future Leaders Summit, 2020 ASEAN Youth Interfaith Camp, 2021 SSEAYP Future Youth Leaders Conference, 2020 Japan-ASEAN Student Council, and 5th China-ASEAN Youth Summit.

Ang sertipiko ng pagkilala ay personal na iginawad ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Daet sa pamumuno ni Vice Mayor Rosa Mia King at Councilor Eliza Llovit na siyang author ng resolution.

Samantala bumuhos naman ang pagbati at paghanga ng mga kapamilya at mga kaibigan ni Torrenuevo sa pamamagitan kanyang social media account.

Ivy Sophia Chavez 

Leave a Reply

Your email address will not be published.