Tumanggap ng ayuda bilang tugon sa pandemya ang anim (6) na barangay mula sa bayan ng Basud, Camarines Norte Mula sa Pamahalaang Panlalawigan nitong Lunes, July 12, 2021.
Kabuuang 1,989 food packs ang naipamahagi sa mga households sa naturang bayan kung saan 180 ang tumanggap mula sa Barangay Binatagan, 388 sa Mantugawe, 340 sa Langga, 430 sa Taisan, 296 sa Oliva at 355 naman sa Pinagwarasan.
Ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng relief distribution sa naturang bayan na pinangunahan ng “Team Gawa” sa pamumuno ni Governor Edgardo Tallado.
Kabilang din sa mga ipinamahagi ng PGCN ang mga gamot, facemasks at reading glasses.
Sinimulan ng umaga ang aktibidad at tinungo ang mga barangay ng Binatagan, Mantugawe at Langga habang hapon naman tinungo ang mga barangay ng Taisan, Oliva at Pinagwarasan ng nasabing bayan
Katuwang sa pamamahagi ang Basud Municipal Police Station (BMPS) sa pangunguna naman ni PMAJ Elizalde Calingacion na nanguna sa pagpapanatili ng health protocols laban sa COVID-19 habang isinasagawa ang “Ayuda sa Pandemya; Relief Operations”.
Layon ng naturang aktibidad na makatulong sa pang araw-araw ng mga mamayan ngayong panahon ng pandemya.
Ayon pa kay Tallado, patuloy na maghahatid ng serbisyo ang pamahalaan upang sama-sama na malabanan at mapagtagumpayan ang kasalukuyan na krisis.