CAMARINES NORTE CYCLISTS, MAKIKIISA SA ISASAGAWANG #BIKEFORPEACEANDJUSTICENATIONWIDE

CAMARINES NORTE CYCLISTS, MAKIKIISA SA ISASAGAWANG #BIKEFORPEACEANDJUSTICENATIONWIDE

Makikiisa sa isasagawang #BikeForPeaceAndJustice sa buong bansa ang mga siklista sa probinsya ng Camarines Norte na pangungunahan ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) sa July 17, 2021.

https://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/bike-route.png

May habang 32.7 kilometers ang ruta ng isasagawang #BikeForPeaceAndJustice na sisimulan sa Provincial Capitol Grounds at magtatapos sa Camp Wenceslao Q. Vinzons Sr., Brgy. Dogongan sa bayan ng Daet. Free registration ang isasagawang ride for a cause na ito at magsisimula sa ganap na ika-5 ng umaga sa July 17, 2021.

Patuloy na hinihikayat ng pamunuan ng CNPPO ang lahat ng bike enthusiast sa probinsya na makiisa sa isasagawang aktibidad na ito.

https://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/1.jpg

Ang #BikeForPeaceAndJustice ay isasagawa ng iba’t ibang ahensya, grupo ng siklista, at bike enthusiast sa buong bansa bilang pakikiisa sa panawagan sa kapayapaan at katarungan para sa mga biktima ng CPP-NPA-NDF lalo na sa pagkamatay kamakailan ng football player na si Kieth Absalon kasama ang pinsan nito na si Nolven Absalon dahil sa pag atake ng mga terorista sa pamamagitan ng landmine bombing.

Shiela Marie D. Basa

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *