JANSSEN VACCINATION SA CAMARINES NORTE, 89% NANG ACCOMPLISHED AYON SA PHO

JANSSEN VACCINATION SA CAMARINES NORTE, 89% NANG ACCOMPLISHED AYON SA PHO

89% nang accomplished ang vaccination sa lalawigan ng Camarines Norte gamit ang Johnson and Johnsonโ€™s Janssen Vaccine.

Ito ay base sa datos na iniulat ni Acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco sa ginanap na 510th Operation Period Briefing ng Incident management Team (IMT) kahapon, Agosto 06, 2021 sa AVR 3rd F, Provincial Capitol, Daet Camarines Norte.

Ang naturang brand ng bakuna ay nakalaan para sa mga Senior Citizen ng lalawigan.Matatandaan na dumating sa lalawigan ang nasa 19,500 doses nito noong July 28.

Samantala, patuloy naman ang pag-usad ng pagbabakuna sa probinsya kung saan sa Lunes, Agosto 9, ay unang babakunahan ang mga sundalo at pulis na itatalaga sa border checkpoints na hindi pa fully vaccinated.Kahapon, nagkaroon ng simulation exercise ang nurses ng PNP (Philippine National Police) na magiging katuwang ng CNPH (Camarines Norte Provincial Hospital) upang mapabilis umano ang pagbabakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *