Malugod na tinanggap ng 46 Ako Bicol-TESDA scholars ng Special Training for Employment Program (STEP) ang kanilang mga starter toolkits. Ginanap ang pamamahagi sa lalawigan ng Sorsogon ngayong Agosto 6, 2021.

Tatlumpu (30) ang scholars sa kursong Dressmaking NCII at labing-anim (16) naman sa kursong Welding NCI. Kabilang sa mga gamit pananahi ang portable electric sewing machine, cutting shear, drafting tools at transparent ruler grid. Para naman sa nag-aral ng welding, binigyan sila ng inverter welding machine tig, auto darkening welding helmet at angle grinder. Ang mga ito’y maaari nilang magamit sa kanilang pansariling kabuhayan o paghahanap ng mapapasukang trabaho.

Dumalo sa programa si Ako Bicol Congressman Alfredo A. Garbin, Jr., Engr. Gilda Ranido (Acting Provincial Director, TESDA Sorsogon) at Mr. Roberto Mendoza (Acting Vocational School Administrator, TESDA). Nagbigay din ng mensahe si Ako Bicol Congressman Zaldy S. Co sa mga scholars. Ang kanilang pagsasanay ay maaaring makatulong sa kanilang paghahanap ng maayos na trabaho sa hinaharap.