PHO, PLANONG MAGTAYO NG SARILING MOLECULAR LABORATORY SA CAMARINES NORTE

PHO, PLANONG MAGTAYO NG SARILING MOLECULAR LABORATORY SA CAMARINES NORTE

Bukas na sa ideya na magtayo ng sarili nitong molecular laboratory ang Provincial Health Office (PHO) sa lalawigan ng Camarines Norte upang mapabilis ang proseso ng pagsusuri ng mga specimen samples.

Sa isinagawa na Operational Period Briefing ng IMT (Incident Management Team) nitong Biyernes, inihayag ng sektor sa pamamagitan ni Acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na nakahanda na ito sa posibilidad na pagkakaroon ng sarilli nitong molecular laboratory.

Kaugnay nito, inihahanda na rin umano ang mga dokumeto para sa aplikasyon ng naturang laboratoryo.Sa pamamagitan nito ay mapapadali na ang proseso dahil hindi na kailangan dalhin pa sa ibang lalawigan ang sample specimen gaya ng COVID-19.Sa kasalukuyan, nagpapadala ng samples ang probinsiya para sa RT- PCR test sa Bicol Region General Hospital and Geriatric Medical Center sa Camarines Sur gayundin sa Bicol Regional Diagnostic and Reference Laboratory (BRDRL) sa Lungsod naman ng Legazpi.

Leave a Reply

Your email address will not be published.