P100M WORTH OF SBDP PROJECTS, ILULUNSAD SA BAYAN  NG CAPALONGA

P100M WORTH OF SBDP PROJECTS, ILULUNSAD SA BAYAN NG CAPALONGA

August 10, 2021

Idinaos na nitong Huwebes, August 5, 2021 ang Groundbreaking ceremony para sa mga proyekto na ilulunsad sa bayan ng Capalonga sa ilalim ng Support to Barangay Development Program (SBDP)-2021 ng pamahalaan.

May be an image of 2 people, people standing and outdoors

Limang (5) barangay sa naturang bayan ang paglalaanan ng mga proyekto, kabilang ang Barangay Binawangan, Itok, Lucbanan, San Antonio, at Villa Belen.

20 milyong piso ang halaga na matatanggap ng bawat barangay na ilalaan sa proyekto na napili ng pamunuan para sa kanilang nasasakupan.

May be an image of 5 people, people standing and outdoors

“Patuloy na Kapayapaan at Pag-unlad” ang naging tema ng seremonya.

Pinangunahan ito ni Governor Edgardo Tallado katuwang sina 1st District Representative Josie Baning Tallado, Capalonga Mayor Luz Ricasio, at DILG-Camarines Norte Provincial Director Ray Careses.

Inaasahan naman na masisimulan na ang pagsasagawa ng mga proyekto ng mas maaga upang mapakinabangan na ng mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *