DRIVE-THRU PAYMENT SYSTEM, SISIMULAN NA NG CANORECO

DRIVE-THRU PAYMENT SYSTEM, SISIMULAN NA NG CANORECO

Ilulunsad na ng CANORECO (Camarines Norte Electric Cooperative, Inc.,) ang Drive-thru Payment System sa kanilang main office sa Barangay Itomang, Talisay, Camarines Norte.

Bukas, Agosto 18, 2021, sisimulan ang bagong payment system, alas otso ng umaga (8:00 am) hanggang alas siyete ng gabi (7:00 pm), Lunes hanggang Sabado.

Kinakailangan lamang umano na dalhin ng mga consumer, na lulan ng kanilang mga sasakyan ang kanilang electric billing statement upang maproseso ang pagbabayad.

Ayon sa kooperatiba, isa ito sa mga paraan nila upang mapabilis ang usad ng pagbabayad.

Mababatid na nang magsimula ang pandemya ay naglunsad din ng malaking bilang ng dagdag na bayad centers ang CANORECO upang hindi na kailangan pa na magtungo ng mga konsyumer sa kanilang opisina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *