Ipinagpapatuloy na ang kontruksiyon ng Alayao-San Roque Road Projects sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte.
Isang daang milyong piso (Php 100,000,000) ang nakalaan na budget sa naturang proyekto na sakop ang Barangay Alayao, San Roque, at San Isidro sa naturang bayan.
Matatandaan na una nang naglaan ng Php 50,000,000 para sa pagsisimula ng PAMANA Road Construction Project.

Minabuti umano ni Governor Edgardo Tallado katuwang si 1st District Representative Josie Baning Tallado na ipagpatuloy na ito upang matugunan ang kanilang pangako sa mga mamamayan na maisaayos ito.

Malaking tulong umano ito sa mga residente ng mga nabanggit na lugar partikular sa mga naninirahan sa Barangay San Isidro at Barangay San Roque na kinakailangan pa na sumakay ng bangka upang makarating sa kasentruhan ng bayan ng Capalonga.
Sa oras na matapos ang konstruksiyon ay madali na ang pamimili ng pang-araw-araw na pangangailangan maging sa mga panahon na lhindi maganda ang kondisyon ng karagatan.

