AMA, PATAY SA KAMAY NG SARILING ANAK SA PARACALE, CAMARINES NORTE

AMA, PATAY SA KAMAY NG SARILING ANAK SA PARACALE, CAMARINES NORTE

Isang 54-anyos na ama ang napatay ng sarili niyang anak nitong Sabado, August 21, 2021 sa Brgy. Poblacion Norte, Paracale Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si alyas “Mon” 31 taong gulang, binata, habang ang biktima ay kinilala sa alyas na “Noli”, 54-anyos, pawang mga residente ng naturang lugar.

Ayon sa ulat, pinagpapalo ng suspek ang biktima sa ulo, gamit ang isang ‘dos por dos’ habang ito ay natutulog sa loob ng kanilang tahanan.

Agad umano na dinala ang biktima ng mga rumesponde na tauhan ng MDRRMO sa CNPH (Camarines Norte Provincial Hospital) ngunit idineklara na itong dead on arrival (DOA).

Ang suspek, pinaniniwalaan na nasa ilalim ng impluwensya ng alak nang mangyari ang krimen.

Kasalukuyan nang nasa kamay ng Paracale MPS (Municipal Police Station) ang suspek na mahaharap sa kasong parricide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *