2 LALAKI NATAGPUANG PATAY SA BAYAN NG LABO, CAMARINES NORTE

2 LALAKI NATAGPUANG PATAY SA BAYAN NG LABO, CAMARINES NORTE

Kalunos lunos ang sinapit ng dalawang lalaki nang matagpuang naliligo sa sarili nilang dugo alas 7:10 ng umaga nitong Agosto 28, 2021 sa Purok 2, Barangay Bautista, Labo, Camarines Norte.


Ang mga biktima ay nakilalang sina alyas “JACK”, 60 taong gulang, binata, construction worker at residente ng Purok 2, Barangay Dogongan, Daet, Camarines Norte at alyas “LAKAY”, 47 taong gulang at residente ng Purok 2, Barangay Angas, Basud, Camarines Norte.


Ayon sa ulat, personal na nagtungo sa himpilan ng Labo MPS si Barangay Kagawad Zandro Puluzan upang ireport ang diumano dalawang lalaking duguan ang katawan na natagpuan sa isang construction site sa Purok 2, Barangay Bautista, Labo, Camarines Norte.

Agad na tinungo ng duty investigator kasama ng iba pang patrollers ng Labo MPS ang lugar at doon nakumpirma ang insidente. Agad na tumawag ng presensya ng mga tauhan ng Camarines Norte Provincial Crime Laboratory Office para sa pagproseso ng crime scene. Napag-alamang ang mga biktima ay nagtamo ng maraming tama ng pananaga sa ibat ibang bahagi ng kanilang katawan na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan.

Ang mga tauhan ng Labo MPS ay kasalukuyang nagsasagawa na ng follow-up operation para mahanap ang mga kamag-anak ng mga biktima at hot-pursuit operation para sa pagkakakilanlan at agarang pagkahuli ng suspek.

Photos by Aris Alexopoulos

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *