MAGSASAKA BIKTIMA NG PANANAGA SA BAYAN NG BASUD, CAMARINES NORTE

MAGSASAKA BIKTIMA NG PANANAGA SA BAYAN NG BASUD, CAMARINES NORTE

Isang 32- anyos na lalaking magsasaka nabiktima ng pananaga, alas 9:00 ng gabi nitong Agosto 28, 2021 sa Purok 1, Barangay Pagsangahan, Basud, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si Reyman Jikere San Rafael y Oste, 42-anyos, may asawa at isa ring magsasaka sa nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat, sa nabanggit na oras at lugar ng pangyayari, habang ang suspek at ang biktima ay nasa kalagitnaan ng inuman sa isang bilyaran malapit sa kanilang mga tirahan nang magkaroon ang mga ito ng isang mainit na pagtatalo.

Sa kalagitnaan ng nasabing argumento, diumano ay biglang umalis ang suspek at bumalik na armado na ng isang itak at tinaga ang biktima sa kaliwang ulo at dibdib nito.

Matapos ang pangyayari, mabilis na tumakas ang suspek bitbit ang itak na ginamit nito sa pananaga. Nang maglaon, kusang-loob na isinuko ng suspek ang kanyang sarili sa isang Brgy Kagawad sa kanilang barangay at agad naman itong sinamahan sa himplan ng Basud MPS.

Samantala, isinugod naman ang biktima sa Camarines Norte Provincial Hospital ng mga tauhan ng MDRRMO para sa agarang atensyong medikal. Inihahanda na ng Basud MPS ang karampatang kasong kakaharapin ng nasabing suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *