1 PATAY 3 SUGATAN SA BANGGAAN NG DALAWANG MOTORSIKLO SA BAYAN NG VINZONS

1 PATAY 3 SUGATAN SA BANGGAAN NG DALAWANG MOTORSIKLO SA BAYAN NG VINZONS

Patay ang isang drayber ng motorsiklo habang sugatan naman ang kanyang mga angkas matapos na makabanggaan nito ang isa pang motorsiklo alas 6:50 ng gabi nitong Agosto 30, 2021 sa Maharlika Highway, Purok 5, Brgy. Sto. Domingo, Vinzons, Camarines Norte.

Ang mga biktima ay nakilalang sina BERNIE VARGAS y Villafranca, nasa wastong edad at residente ng Purok 5, Brgy. Alawihao, Daet, Camarines Norte drayber ng Euro Sport 110 motorcycle na kulay blue na may temporary plate number 1801-00000214627; habang ang mga angkas nito ay sina Francyn Jagucoy y Galvan, 18 anyos, dalaga, at Juliet Vergara y Montero, 24 anyos, dalaga, pawang mga residente ng Brgy. Sto. Domingo, Vinzons, Camarines Norte. Samantala ang drayber naman ng motorsiklong Honda motorcycle na kulay color red/black na may temporary plate number 050107 at minamaneho ni JAY TORQUATOR y Sancho, 45 anyos, may asawa, truck driver at kasalukuyang naninirahan sa Purok 8, Brgy 2, Daet, Camarines Norte.

Ayon sa imbestigasyon, habang minamaneho ni VARGAS ang kanyang motorsiklo sakay ang mga angkas nito at habang binabaybay ang Maharlika Highway patungong Purok 2, Brgy. Sto. Domingo, Vinzons, Camarines Norte nang aksidenteng nakabanggaan nito ang kasalubong na motorskilo na minamaneho naman ni TORQUATOR na nagmumula sa kasalungat na direksyon. Ang dalawang drayber pati na ang mga angkas ni VARGAS ay nasugatan sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan at agad na isinugod sa Camarines Norte Provincial Hospital para malampatan nang agarang lunas. Sa kasamaang palad, si Vargas ay idineklarang dead on arrival ni Dr. Joel Paulo Delos Reyes, Duty Attending Physician ng nasabing hospital. Samantala si TORQUATOR ay nagpositibo naman sa alcoholic breath at kasalukuyang nasa pagamutan.

Ang mga motorsiklo ay nagtamo ng hindi pa matantyang halaga ng pinsala at dinala sa Vinzons MPS para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *