Naglabas ang Provincial Incident Management Team ng bagong advisory na nagsasaad na mas pinaiksi ang validity ng antigen at RT-PCR test mula sa 7 araw na naging 3 araw na lamang epektibo simula kahapon (September 1, 2021).

Ang desisyong ito ay bunsod sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa probinsya.
Sa kasalukuyan ay sumampa na sa 400 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan base sa ipinalabas na case bulletin report ng DOH Bicol.

