IKA-10 SA MUNICIPAL MOST WANTED PERSON SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN, ARESTADO!

IKA-10 SA MUNICIPAL MOST WANTED PERSON SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN, ARESTADO!

Napasakamay ng mga tauhan ng Jose Panganiban MPS ang isang lalaki na may kasong paglabag ng Section  5(a) at 5(i) ng RA 9262 at ika-sampu sa Municipal Most Wanted Person  alas 11:30 ng umaga nitong Setyembre 1, 2021 sa Purok-1, Barangay Plaridel, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Ang akusado ay kinilalang si EFREN ENTERIA y Reyes  43 taong gulang, binata, gold panner, at residente ng Purok-3, Barangay Sta. Rosa Norte, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Si ENTERIA ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Hon. Rene Morallo De La Cruz, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch-5, Daet, Camarines Norte para sa paglabag ng Section  5(a) and 5(i) ng RA 9262 sa ilalim ng kasong kriminal na may numerong 21185 and 21186, parehong may petsang Agosto 18, 2021 at rekomendadong piyansa na nagkakahalaga ng Talumput Anim na Libong Piso (Php.36,000.00) para sa paglabag ng Section 5 (a) at pitumput dalawang libong piso (Php.72,000.00) para naman sa paglabag ng Section 5 (i) of RA 9262 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

 C:\Users\ADMIN\Desktop\238723754_994758541355153_4899954901702577086_n.jpg

Ang akusado ay kasalukuyang nasa pangangalaga na ng Jose Panganiban MPS para kaukulang disposisyon. 

Muling pinaalalahanan ni PCOL JULIUS DANAO GUADAMOR ang mga kababaihan na huwag matakot na magsumbong at humingi ng tulong sa kapulisan kung kinakailangan, aniya “kami ay kaibigang proprotekta sainyo, sama-sama nating tuldukan ang pang aabuso sa kababaihan”.   

Pinuri naman ni PCOL GUADAMOR ang mga tauhan ng Jose Panganiban MPS sa pamumuno ni PMAJ ALEXANDER ALVAREZ sa matagumpay na pagkakahuli sa akusado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *