IKA-SIYAM SA MUNICIPAL MOST WANTED PERSON SA BAYAN NG SAN LORENZO RUIZ, ARESTADO

IKA-SIYAM SA MUNICIPAL MOST WANTED PERSON SA BAYAN NG SAN LORENZO RUIZ, ARESTADO

Isang 43 anyos na lalaki at ika siyam sa Municipa Most Wanted Person ng San Lorenzo Ruiz ang inaresto ng kapulisan ng nasabing munisipyo bandang alas 8:00 ng umaga nitong Setyembre 1, 2021 sa Purok-6, Barangay Matacong, San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte.

Ang akusado ay nakilalang si ANDY RACHO y Divina, 43 taong gulang, binata, magsasaka, at residente ngresident of Purok-4, Barangay Matacong San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte. Si RACHO ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Regional Trial Court, Branch-38, Daet, Camarines Norte sa kasong paglabag sa Section 77 at 78 ng Presidential Decree 705 at Section 7 ng Chainsaw Act of RA 9175  sa ilalim ng kasong kriminal na may numerong 21189, 21190 and 21191 na pawang may petsang Agosto 17, 2021 at may rekomendadong piyansa na nagkakahalagang Apatnapu’t Walong Libong Piso (Php 48,000) para paglabag sa Section 77 at 78 ng PD 705 at Isang Daan at Dalawampung Libong Piso (Php 120,000) para sa paglabag naman sa Section 7 ng Chainsaw Act of RA 9175.

Ang nasabing akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng San Lorenzo Ruiz MPS para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *