NUMERO UNO SA LISTAHAN NG MUNICIPAL MOST WANTED PERSON NG DAET, ARESTADO SA BAYAN NG CAPALONGA

NUMERO UNO SA LISTAHAN NG MUNICIPAL MOST WANTED PERSON NG DAET, ARESTADO SA BAYAN NG CAPALONGA

Muli na namang ipinamalas ng kapulisan ng Daet MPS ang matagumpay na Manhunt Charlie Operation nang malambat nang nasabing kapulisan sa pakikipag-ugnayan sa Capalonga MPS ang Numero Uno sa Municipal Most Wanted Person ng Daet sa buwan ng Setyembre, bandang alas 3:20 ng hapon nitong Setyembre 1, 2021 sa Purok 3, Brgy Itok, Capalonga, Camarines Norte.

Ang akusado ay nakilalang si JAY OCHOA, 27 taong gulang, binata at residente ng Purok 5, Brgy Alawihao, Daet, Camarines Norte. Si OCHOA ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong tatlong (3) counts of Anti-Rape Law of 1997 (Violation of Art III Sec 5 (B) of RA 7610 of RA 8353) na may mga numerong 21123, 21124, 21125 na ipinalabas ng RTC Br 5, Daet, Cam.Norte na may petsang July 27, 2021 at walang rekomendadong piyansa.

C:\Users\JALINA\Desktop\239884802_551336039520979_900010253682570796_n.jpg

Si Ochoa ang akusado sa panggagahasa sa isang 17-anyos na dalagita na naganap noong December 2020, January 2021 at February 2021 sa Brgy Alawihao, Daet, Camarines Norte.

Ang nasabing personahe ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Daet MPS para sa kaukulang disposisyon.

Samantala, muling nagpasalamat si PCOL JULIUS D GUADAMOR sa matagumpay na operasyon ng kanyang kapulisan laban sa mga pinaghahanap ng batas. Aniya, “Ito sana ay magsilbing babala sa mga taong umaasa pa na makakatakas sa salang kanilang ginawa lalo na yaong mga taong gumawa ng pang-aabuso sa ating mga kababaihan. Wala kayong ibang pupuntahan kundi ang pagbayaran ang inyong mga kasalanan”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *