IKA-ANIM SA MUNICIPAL MOST WANTED PERSON SA BAYAN NG STA.ELENA ARESTADO

IKA-ANIM SA MUNICIPAL MOST WANTED PERSON SA BAYAN NG STA.ELENA ARESTADO

Isang 27 anyos na lalake at ika-anim sa Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Sta.Elena ang inaresto ng kapulisan ng Sta.Elena MPS kasama ang CN2ndPMFC, CNPHPT, and CNPIU bandang alas 11:00 ng umaga nitong Setyembre 2, 2021 sa Sitio Lobo, Brgy. Tabugon, Sta. Elena, Camarines Norte.

 

Ang akusado ay nakilalang si JERICK SANDOVAL y Oña alias “Imboy”, 27 taong gulang, may kinakasama, at residente ng Purok 8, Brgy Don Tomas, Sta Elena, Camarines Norte. Si Sandoval ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Regional Trial Court 5th Judicial Region Branch 64, Labo, Camarines Norte sa kasong Sexual Assault in Relation to R.A. 7610 sa ilalim ng kasong kriminal na may numerong 18-3419 at piyansang Dalawang Daang Libong Piso (Php 200,000) at kasong Rape in Relation to R.A. 7610 sa ilalim naman ng kasong criminal na may numerong 18-3420 na walang rekomendadong piyansa at pawang may petsang December 14, 2018.

Si Sandoval ay akusado sa panggagahasa sa isang 14 anyos na dalagita na naganap noong January 15, 2018 sa Sitio Dawahan, Brgy. Don Tomas, Sta.Elena, Camarines Norte.

Ang nasabing personahe ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Sta.Elena MPS para sa kaukulang disposisyon.

Muli ay nagpaalala si PCOL JULIUS D GUADAMOR, “Sa mga nagkasala sa batas, lalong lalo na ang mga lumaspatangan sa kababaihan, kayo ay patuloy na hahanapin namin upang pagbayarin sa mga krimeng inyong ginawa”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *