LALAKENG MAY KASO SA PAGLABAG SA RA 9262 (“Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004”) ARESTADO!

LALAKENG MAY KASO SA PAGLABAG SA RA 9262 (“Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004”) ARESTADO!

Isang 32-anyos na lalake ang inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Labo MPS kasama ang CN 2nd PMFC, CNPHPT, CN MARPSTA and CN PIU bandang alas 11:30 ng gabi nitong September 2, 2021 sa Purok 4, Barangay Tulay na Lupa, Labo, Camarines Norte.

Ang akusado ay nakilalang si JAYSON VALLES VILLACRUSIS, 32 taong gulang, binata, magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Si Villacrusis ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest dahil sa dalawang beses (2 counts) na paglabag sa RA 9262 sa ilalim ng kasong kriminal na may numerong 2021-4061 and 2021-4062 na ipinalabas ng RTC-Branch 64, Labo, Camarines Norte na may petsang July 30, 2021 at may rekomendadong piyansa na nagkakahalagang Pitumpu’t dalawang Libong Piso (Php 72,000).

Ang nasabing personahe ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Labo MPS para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *