Dakong 6:50 ng gabi nitong Septyembre 3, 2021 nang maaresto ng mga tauhan ng Labo MPS (lead unit) at 2nd CNPMFC ang isang 24 anyos na lalaki na akusado sa kasong panggagahasa sa Barangay Malasugui, Labo, Camarines Norte.
Ang akusado ay nakilalang si alyas “Yano”, 24 anyos, binata, isang mekaniko at residente ng Purok 2, Barangay Fundado, Labo, Camarines Norte.
Si Yano ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas mula sa RTC Branch 64, Labo, Camarines Norte para sa krimeng Rape in relation to RA 7610 sa ilalim ng kasong kiminal na may numerong 15-2788 at petsang March 10, 2016 na walang piyansang nakalaan.
Ang nasabing personahe ang akusado sa sekwal na pangmomolestya sa isang 15 taong gulang na dalagita na naganap makailang beses simulang Nobyembre taong 2013 hanggang Enero 2015 sa nabanggit bayan.
Diumano ang menor de edad na biktima ay pinagbantaan pa nito na sisirain ang kanyang pangalan at katauhan sa kanilang paaralan kung hindi nito papahintulutan ang suspek na gawin ang kagustuhan nitong pang-aabusong sekswal.
Ang nasabing akusado ay ang ikatlo sa listahan ng Municipal Most Wanted Person ng bayan ng Labo, Camarines Norte. Samantala, kasalukuyang nasa pangangalaga na ng Labo MPS ang nasabing akusaddo upang kaharapin ang salang kanyang ginawa.
“Ako’y natutuwa dahil patuloy ang pagsisikap ng ating kapulisan dito sa Camarines Norte upang madakip na at mapanagot ang mga taong nagkasala sa batas lalo sa mga taong sumira at yumurak sa pagkatao ng ating mga kababaihan at kabataang biktima ng pamomomolestya at pang-aabusong sekwal. Makakaasa po kayo na patuloy ang paghahanap natin sa mga nagtatago sa batas sa pamamagitan ng ating mas pinaigting na Manhunt Charlie Operations”, ani PCOL JULIUS DANAO GUADAMOR.

