CAMARINES NORTE PPO AT CNPPO PEACE RIDERS NAGSANIB PUWERSA PARA MAKAPAGHATID NG AYUDA SA MGA NASALANTA NG BAGYONG JOLINA SA MASBATE!

CAMARINES NORTE PPO AT CNPPO PEACE RIDERS NAGSANIB PUWERSA PARA MAKAPAGHATID NG AYUDA SA MGA NASALANTA NG BAGYONG JOLINA SA MASBATE!

May be an image of 2 people and text

CAMARINES NORTE PPO –Nagsanib pwersa ang Camarines Norte Police Provincial
Office (CNPPO)
sa pamumuno ni PCOL JULIUS D GUADAMOR, Provincial Director at
ang Camarines Norte PPO Peace Riders para maghatid ng ayuda sa mga nasalanta ng
Bagyong Jolina sa Barangay Marintoc, Mobo, Masbate dakong 9:00 ng umaga nitong
Setyembre 18, 2021.

Sa pamamagitan ng isang programa na may temang “Alagang Manoy Julius”,
ay naghandog ng isang relief operations ang buong pamunuan ng CNPPO sa
pamamagitan ng Provincial Community Affairs and Develoment Unit (PCADU) kaagapay
at katuwang ang CNPPO Peace Riders upang maipakita ang tunay na Serbisyo, Disiplina
at Malasakit sa mga taong naapektuhan ng bagyo lalo na ang mga residente ng Brgy
Marintoc na nakaranas ng matinding pagbayo ng dumaang bagyong Jolina.

Nagkaroon ng maiksing programa kung saan ito ay dinaluhan ng Brgy.Captain ng Barangay
Marintoc, Mobo, Masbate na si Punong Barangay Isidro De Mesa, PLTCOL LEUS
PRIMO, Chief PCAD at PLTCOL PAUL CABUG, Chief PIU mula sa Masbate PPO na
naghandog din ng kanilang mensahe at ang butihing Provincial Director ng Camarines
Norte PPO na si PCOL JULIUS D GUADAMOR na tubong taga Masbate ay nagbigay din
ng mensahe upang makapagbigay ng inspirasyon at kalakasan ng loob sa mga nasalanta
ng bagyo.

Napawi ang pagod ng mga kapulisan ng Pulis Bantayog sa halos labing isang oras
na biyahe dahil na ipinamalas ng mga residente doon ang kanilang mga ngiti sa labi at
abot-abot na pasasalamat matapos na makapagpamigay ng halos Limang Daang (500)
relief food packs na naglalaman ng bigas, de lata, kape, gatas, pansit, instant noodles at
mga used clothings.

Nagbigay din ng libreng meryenda, mga gamot, bitamina at kape sa
mga residenteng dumalo sa nasabing programa. Sa pamamagitan ng simpleng pagtulong
mula sa puso ng mga CamNorteños ay naibsan ang lungkot ng mga kababayang
Masbateñong niragasa ng bagyo.

Muli ay ipinamalas ng kapulisan ng Camarines Norte PPO ang bayanihan upang
makapaghandog ng munting pag-asa at tulungang maiahon ang ating mga kababayan sa
pinsalang dulot ng bagyong Jolina. Pagpapatunay lamang na sa pamamagitan ng
pagtutulungan ng bawat isa, mapapagaan ang lahat ng bagay kung tayo ay sama-sama.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *