DALAGITA GINAHASA NG KANYANG AMAIN, ARESTADONG SUSPEK NAKUHAAN NG ILIGAL NA DROGA

DALAGITA GINAHASA NG KANYANG AMAIN, ARESTADONG SUSPEK NAKUHAAN NG ILIGAL NA DROGA

Isang 56 anyos na lalaki ang inaresto ng mga tauhan ng San Lorenzo Ruiz MPS at ng 3rd Platoon ng CN 1st Provincial Mobile Force Company matapos ang sekswal na pang-aabuso sa isang menor de edad dakong 1:30 ng hapon nitong Setyembre 28, 2021 sa Purok-1, Barangay Matacong, San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte.D:\Desktop\fm\242715751_392277765905193_1766024785404131333_n.jpg

Ang suspek ay kinilalang si alyas “Omeng”, 56 anyos, isang manghihilot, kasalukuyang kinakasama ng ina ng biktimang si alyas “Nene”, 13 anyos at pawang residente ng nabanggit na lugar. Nadakip ang suspek matapos na magsumbong sa pulisya ang biktima kasama ng kanyang ina tungkol sa ginawang panggagahasa ng amain. Ayon sa salaysay, ang pang-aabuso ay naganap sa mismong tahanan nila  alas 7:30 ng umaga nitong Setyembre 28, 2021 habang si “Nene” ay naghuhugas ng kanilang  pinagkainan. Agad namang tumugon sa sumbong ng biktima ang mga tauhan ng San Lorenzo Ruiz MPS at nagsagawa ng agarang operasyon upang madakip ang nasabing suspek. C:\Users\WIN 10\Downloads\243006227_4489892131072299_728480893315308880_n.jpg

Napasakamay ng mga pulis ang nasabing suspetsado at mabilis na nagsagawa ng mandatory search ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nakuhaan ang suspek ng isang katamtamang laki ng plastik na pakete na may residue ng hinihinalang shabu,  dalawang (2) pirasong maliit na pakete ng hinihinalang shabu at isang aluminum foil. Ang pagmarka at imbentaryo ng mga nakuhang ebidensya ay isinagawa sa presensya ng mga opisyales ng barangay at ng media mula sa Brigada News FM-Daet.

Tinatayang may bigat na 0.0621 gramo na may street value na Isang Libong Piso (Php 1,000) ang nasabing iligal na droga. 

Kasong Rape in relation to RA 7610 at Violation of Sec 11 Art II of R.A 9165 naman ang inihahanda na ng San Lorenzo MPS laban sa suspek.

“Dahil sa paggamit ng iligal na droga kaya marami ang nabibiktima ng krimen. Nakakalungkot lang na dahil sa droga may isa na namang kabataan ang nayurakan ang pagkababae. Isang bangungot na magdadala dito habang siya ay nabubuhay. Walang kapatawaran ang ginawa ng suspek sa pagsira sa buhay ng isang dalagita. Sisiguraduhin natin na pagbabayaran ng suspek ang kanyang ginawang kalapastanganan sa biktima ani PCOL JULIUS D GUDAMOR.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *