RIDING IN TANDEM, PATAY MATAPOS PAPUTUKAN ANG MGA OTORIDAD HABANG NASA KALAGITNAAN NG PAGSASAGAWA NG OPLAN SITA, MGA BARIL AT HUMIGIT KUMULANG PHP 500,000 NA HALAGA NG SHABU NASAMSAM SA MGA SUSPEK

RIDING IN TANDEM, PATAY MATAPOS PAPUTUKAN ANG MGA OTORIDAD HABANG NASA KALAGITNAAN NG PAGSASAGAWA NG OPLAN SITA, MGA BARIL AT HUMIGIT KUMULANG PHP 500,000 NA HALAGA NG SHABU NASAMSAM SA MGA SUSPEK

September 25, 2021 – Patay ang dalawang lalaki nang paputukan ng mga ito ang mga kapulisan na nagsasagawa ng Oplan Sita at implementasyon ng Curfew Hours dakong alas 12:15 ng madaling araw, Setyembre 25, 2021 sa Purok 4, Barangay Calero, Jose Panganiban Camarines Norte. 

Ayon sa ulat na ipinalabas ni PMAJ MELVIN B ATACADOR, Officer In-Charge ng Jose Panganiban MPS, ang mga suspek ay nakilalang sina PACIANO BANDOLA III y GARINGA 31 anyos at residente ng Cadlan, Pili Camarines Sur at si REYNALDO ROBIN BANDOLA JR y BRONIA, 29 anyos at residente ng 43 N Brgy Escopa I Project 4, Quezon City.

Ang mga nabanggit na suspek diumano habang sakay ng isang motorsiklo na mabilis ang pagpapatakbo ay dalawang beses na pinaputukan ang mga kapulisan na nagsasagawa ng Oplan Sita/Implementasyon ng Curfew Hours. Maswerte namang walang tinamaan sa parte ng mga pulis at kaagad na hinabol ang mga suspek ng dalawang pulis gamit ang isang motorsiklo na nagresulta sa pagpapalitan ng mga ito ng putok at pagkakapatay ng mga nabanggit na suspek. Ang isa sa rumespondeng pulis ay maswerteng naisalba ang buhay ng kanyang suot na bullet proof vest. 

Matapos ang insidente, agad na humingi ng tulong ng MDRRMO ang mga otoridad subalit ang mga suspek ay idineklarang patay ng Municipal Health Officer ng nasabing bayan. Agad ring nakipag-ugnayan ang pulisya ng Jose Panganiban MPS sa mga tauhan ng SOCO para iproseso ang crime scene. Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang mga sumusunod: 

• Isang kalibre .45 pistol na walang trademark at serial number at isang magazine; 

• Isang Sub-Machine Gun 9MM na walang trademark at serial number na may magazine at naglalaman ng limang (5) bala; 

• Apat (4) na basyo ng bala na hinihinalang mula sa 9MM na baril; 

• Dalawang (2) piraso ng basyo ng bala na hinihinalang mula sa kalibre .45 na baril; 

• Isang Honda 150R na may chassis number MH1KB1115HK110066 at engine number KB11E1107761; at 

• Dalawang helmet.

  Samantala, nakuha naman ng mga tauhan ng SOCO sa pag-aari ni PACIANO BANDOLA III y GARINGA ang mga sumusunod: 

• Isang (1) maliit na kahon na nababalutan ng kulay brown na tape na naglalaman ng labing isang (11) piraso ng malalaking selyadong plastic na pakete ng hinhinalang shabu; at 

• Isang (1) kulay brown na wallet na naglalaman ng mga iba’t ibang Identification Cards (ID’s), ATM’s at barya na nagkakahalaga ng Labing Apat na Piso (Php14.00). 

Nakuha naman sa pag-aari ni REYNALDO ROBIN BANDOLA JR y BRONIA ang mga sumusunod: 

• Isang (1) maliit na kahon na nababalutan ng kulay brown na tape na naglalaman ng sampung (10) malalaking piraso ng selyadong pakete ng hinihinalang shabu; 

• Isang (1) kulay itim na sling bag na naglalaman ng iba’t ibang ID’s, ATM’s at sampung pisong (Php10.00) barya; at 

• Isang (1) relo.

Ang mga nasamsam na iligal na droga ay tinatayang may timbang na isang daan at dalawampung gramo (120g) na umaabot sa street value na Limandaan at Pitumpo’t Anim na Libong Piso (Php576,000.00) ang halaga. Ang mga nabanggit na iligal na droga pati na ang mga baril at bala at iba pang ebidensyang nakuha sa pinangyarihan ng insidente ay nasa kustodiya na ng mga tauhan ng SOCO-Camarines Norte. 

Nagtamo naman ang mga suspek ng tig dalawang tama ng bala sa parte ng kanilang dibdib at ang mga labi ng mga ito ay nakahimlay na sa ADEA Funeral Homes sa Brgy. Parang, Jose Panganiban, Camarines Norte habang hinhintay ang mga kamag-anak na kukuha sa mga ito. 

“Ayaw na ayaw namin na humahantong pa sa ganito, pero kung hiningi ng pagkakataon at buhay ng aking kapulisan ang nakataya, ay ibang usapan na yan. Sa laki ng droga na ipinasok nila dito sa ating probinsya, ilang mga kabataan at mamamayan dito sa Camarines Norte ang maaring maging biktima nila? Sa mga gamit nilang armas, ilan ang posibleng magawaan ng masama at mapatay nila dito? Saludo ako sa aking mga kapulisan sa Jose Panganiban MPS sa pamumuno ni PMAJ MELVIN B ATACADOR, isa kayong mabuting ehemplo ng ating mga kapulisan na tunay na may dedikasyon at malasakit sa ating mga mamayan at sa ating bayang pinagsisilbihan, pahayag ni PCOL JULLIUS D GUADAMOR. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *