9 NA MANGINGISDA, NA-RESCUE MATAPOS TUMAOB ANG SINASAKYANG BANGKA SA BAYBAYING NASASAKUPAN NG BAYAN NG MERCEDES!

9 NA MANGINGISDA, NA-RESCUE MATAPOS TUMAOB ANG SINASAKYANG BANGKA SA BAYBAYING NASASAKUPAN NG BAYAN NG MERCEDES!

Agarang na-rescue sa pamamagitan ng pag-uugnayan ng Camarines Norte Maritime Police Station at kapulisan ng Jose Pangiban ang siyam (9) na mangingisda matapos tumaob ang sinasakyang bangka dahil sa lakas ng ulan hangin nitong Oktubre 4, 2021.

Pawang mga residente ng bayan ng Jose Panganiban ang nasabing mangingisda na kinilalang sina Eduardo A. Dumas, Rodrigo A. De Jesus, Domingo R. Madera, Vicente B. Santos, Jemson C. Sumalinog, Jhon Evan S. Dumos, Nestly P. Jerusalem, Jomar M. Balmaceda at Angelito A. Noynay.

Ayon sa ulat ng CNPPO, nasa laot ang mga nabanggit upang mangisda sa baybaying sakop ng bayan ng Mercedes nang ang kanilang sinasakyang bangka ay tumaob dahil sa lakas ng hangin at ulan. Agad namang na-rescue ng Camarines Norte Maritime Police Station at agad ding nakipag ugnayan sa Jose Panganiban Municipal Police Station.

Agad namang pinakain ng kapulisan ng Jose Panganiban PNP ang mga mangingisda at kalaunan ay ihinatid sa kani-kanilang mga tahanan.

Naghatid din ng kaunting tulong ang mga kapulisan ng Jose Panganiban PNP sa mga nasabing mangingisda upang may maipanustos ang mga ito sa kani-kanilang pamilya habang sila ay hindi pa nakakapalaot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *