TATLO KATAO TIMBOG DAHIL SA “TONG-ITS” SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN

TATLO KATAO TIMBOG DAHIL SA “TONG-ITS” SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN

Bandang alas 3:30 ng hapon, Oktubre 9, 2021, tatlong kababaihan ang naaresto ng mga otoridad ng Jose Panganiban MPS habang nagsasagawa ng iligal na pagsusugal sa Purok 6, Barangay Parang, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Ang mga suspek ay kinilalang sina alyas JO, 60 anyos, LUCY, 60 anyos, VICKY, 68 anyos, pawang mga residente ng P-5 Brgy. Parang, Jose, Panganiban, Camarines Norte.

Ayon sa ulat, sa nabanggit na oras, araw at lugar, habang ang mga kapulisan ng Jose Panganiban MPS ay nagsasagawa ng anti-illegal gambling operation ay naaktuhan ang mga suspek na naglalaro ng “Tong-its” na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito.Nakuha sa nasabing operasyon ang mga sumusunod na ebidensya:

  • Isang set ng baraha; at
  • Isang daan at apatnapu’t limang piso (Php 145.00) na perang pamusta.

Ang mga suspek ay agad na dinala sa Jose Panganiban MPS para sa kaukulang disposisyon at para sa paghahanda sa kasong paglabag sa PD 1602 na isasampa sa korte laban sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *