23 ANYOS NA BABAE, NATAGPUANG PATAY SA BAYAN NG STA. ELENA

23 ANYOS NA BABAE, NATAGPUANG PATAY SA BAYAN NG STA. ELENA

Natagpuang wala ng buhay at naliligo sa kanyang sariling dugo ang isang 23 anyos na babae sa loob ng kanyang tahanan bandang alas 2:00 ng umaga nitong Oktubre 12, 2021 sa Purok 1 Brgy. Poblacion, Sta Elena Camarines Norte.

Ang biktima ay nakilalang si ANNA CARMELA L. SOTERIO, 23 taong gulang, may kinakasama at residente ng Purok 1 Brgy Poblacion, Sta Elena Camarines Norte.

Ayon sa imbestigasyon, bandang alas 7:40 ng umaga nitong Oktubre 12, 2021 nang makatanggap ng impormasyon ang himpilan ng Sta.Elena MPS mula sa pinsan ng biktima na si Ronnel L. Celso na nagsasabing natagpuang patay ang kanyang pinsan sa sarili nitong bahay. Ayon sa kanya, nakita umano ni Jasmin L. Soterio, kapatid ng biktima na nakahandusay na ito at wala ng buhay. Diumano, ang biktima ay wala ng suot na underwear at may mga taga sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan. Agad na nagtungo ang kapulisan ng Sta. Elena MPS upang tiyakin ang nasabing impormasyon at nakipag-ugnayan sa SOCO upang iproseso ang pinangyarihan ng krimen.

Samantala, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng kapulisan upang matukoy and suspek sa karumal-dumal na krimen. Ipinaaabot naman ni PCOL JULIUS D. GUADAMOR ang kanyang pakikiramay sa naiwang pamilya ng biktima. Aniya “Lubhang nakakalungkot ang pangyayari, ngunit sisiguraduhin namin kasama ng aking mga kapulisan na matukoy at mapanagot ang may-sala sa krimeng ito. Magagawa natin ito kung ang komunidad at kapulisan ay magtutulungan para agad na mabigyang linaw ang krimen at mabigyan ng agarang hustisya ang pagkamatay ng biktima”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *